Tagumpay na Panimula: SINAG, Idinaraos ang Programa sa Buwan ng Wika 2024
By: Mary Grace Alayon
Photo By: Alhexzeus Garcia
Ngayong araw, isang matagumpay na pagbubukas ng dalawang araw na programa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang isinagawa sa KLL- Annex Campus sa pangunguna ng organisasyong Sulong-Ilaw na Naglalagablab sa mga Aral na Ginuntuan (SINAG).
Ang tema ng taon na “FILIPINO: WIKANG MAPAGPALAYA” ay inilapat sa bawat programa, kabilang ang paggamit ng Filipino Sign Language, Indigenous Knowledge System sa Scientific Research, at katutubong wika sa edukasyon.
Bilang karagdagan, ang pangulo ng SINAG na si Jacob Mathew M. Leria, ay labis na natuwa sa pagdalo ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang taon sa pagbubukas ng programa. "Isang tunay na mapagpalaya ang kaganapang isinagawa ng aming organisasyong Sulong Ilaw na Naglalagablab sa mga Aral na Ginintuan", dagdag pa niya.
Sa kabilang banda, nagpahayag din ng kaniyang mensahe si G. Mildred P. Nuezca, tagapayo ng organisasyong SINAG. Ayon sa kaniya nararapat lamang na ipagdiriwang ang Buwan ng Wika lalo na sa mga mag-aaral na bagong tagapagtaguyod ng Wikang Filipino.
Sa dalawang araw na selebrasyon, nakahanda ang mga programang naglalayon na iangat ang kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng wikang Filipino. Ngayong araw ay idinaos ang iba't- ibang patimpalak gaya na lamang ng Sloter ( Slogan at Poster) at Pagsulat ng Sanaysay. Samantalang bukas( Agosto 31,2024), ay nakahanda ang iba pang aktibidad gaya nalamang ng taunang seminar tuwing Buwan ng Wika gayundin ang iba pang nakaaaliw na patimpalak.
Ayon sa pahayag ng isang mag- aaral mula sa ikalawang taon na si Joshua N. Laylo, napakahalaga na mapag aralan ang wika. Nararapat itong gamitin araw-araw upang mapagyabong at mapagyaman. Dagdag pa niya, napaka espesyal ng araw na ito sa para sa kanilang mga nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino.
Comments
Post a Comment