Araw ng kabayanihan ni Ninoy Aquino

 


By: Angel Marie Calacala
Photo By: Laidel Hizola

Sino nga ba si Senator Ninoy Aquino Jr? Bakit idinaraos at inaalala ang anibersaryo ng kanyang kamatayan?

Si Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr. ay isang mamahayag at politiko ng Pilipinas. Siya ay nag serbisyo sa Tarlac bilang alkalde at pumasok sa Senado. Sa kanyang panahon ipinakita niya ang pagkamahal niya sa bansang Pilipinas. Naging bukas at mulat siya sa totoong kahulugan at depinesyon ng kalayaan. Naparatangan ng pagiging Leader ng Kumonista at nakulong sa salang pagpatay at iligal na pagmamay ari ng mga armas, ngunit hindi naging hadlang sa kanya upang hindi ipaglaban ang kalayaan mula sa mga Marcoses. Habang siya ay nasa kulungan napag alaman na may sakit sa puso ang Senator tiniis niya ang pitong taon bago siya payagan na magpagamot sa estados unidos. Pagkatapos ng tatlong taong pagkakalayo sa bansa, bumalik siya sa Maynila, subalit binaril bago pa man siya makatapak sa tarmac. Nagsanhi ang kanyang asasinasyon ng magkakaugnay na mga pangyayaring nauwi sa People Power Revolution noong 1986.

Naitatag noong February 25, 2004 ang Ninoy Aquino Day sa ilalim ng Republic Act 9256 na pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dalawangpu't isang taon ang nakalipas mula noong pagkamatay ng Senator.

Isa karangalan ang pag alala sa namayapang si Senator Benigno 'Ninoy' Aquino na nag iwan ng katagang "Filipino is worth dying for"!

Comments

Popular posts from this blog

KLL ranks 3rd Top Performing School for February 2024 CLE

KLL ROTC claws 4th overall at Air Force Luzon

KLL ROTC Unit holds Graduation Ceremony and Change of Command